PBA | San Miguel Beermen, wagi sa game 2 kontra Barangay Ginebra

Manila, Philippines – Tinalo ng San Miguel Beermen sa overtime game ang Barangay Ginebra sa game 2 ng kanilang semifinals series sa PBA Philippine Cup.

Nanalo ang Beermen sa score na 104-102 kung saan naging bida sa San Miguel si Marcio Lassiter na may 25-points kasama na din dito ang kaniyang game winning tip in sa huling segundo ng laro.

Hindi naman makapaniwala si SMB Coach Leo Austria sa panalo dahil sa matinding depensa at opensa na ipinakita ng Ginebra.


Pinangunahan naman ni June Mar Fajarod ang San Miguel na may 33-points at 19-rebounds.

Mapapanood naman ang game 3 sa bukas ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Facebook Comments