Batangas City – Mapapanood na mamaya ang second leg ng 2018 PBA All-Star week na gaganapin sa Batangas City kung saan maghaharap ang Team Luzon laban sa Gilas Pilipinas.
Pero bago ang nasabing laban, sasabak muna ang ilang manlalaro sa skills challenge tulad ng three-point shootout, slam dunk competition at obstacle challenge.
Nabatid kasi na pawang mga big man naman ng bawat team ang lalaro sa obstacle sa halip na mga point guards kung saan kasali dito sina Asi Taulava ng NLEX, Raymond Aguilar ng Barangay Ginebra, Beau Belga ng Rain or Shine, Ken Bono ng Meralco, JP Erram ng Blackwater, Russel Escoto ng Columbian Dyip, Gabby Espinas ng San Miguel, Doug Kramer mula sa Phoenix, Kelly Nabong ng GlobalPort, Aldrech Ramos galing sa Magnolia, Sonny Thoss ng Alaska at Yousef Taha TNT.
Alas-7:00 ng gabi maghaharap ang Luzon All-Stars na hahawakan ni Coach Leo Austria at Gilas Pilipinas na pamumunuan naman ni Coach Yeng Guiao.