PBA | SMB – pinataob ng Bolts

Manila, Philippines – Pinataob ng Meralco Bolts ang San Miguel Beermen sa kanilang naging banggaan kagabi sa Araneta Coliseum.

Dahil dito ay buhay pa ang pag asa ng Meralco Bolts para sungkitin ang ikawalong pwesto at pinakahuling ticket sa quarterfinal spot sa Governor’s Cup.

Tinambakan ng Bolts ang Beermen sa score na 111-81.


Pinutol rin ng Bolts ang apat na sunod-sunod na panalo ng Beermen.

Habang itinanghal na best player of the game si Reynel Hugnatan na umiskor ng 19 na puntos.

Facebook Comments