Manila, Philippines – Nakadalawang panalo ang mga koponan ng San Miguel Corporation sa pagsisimula ng best of five quarterfinals ng Commissioner’s Cup ng PBA.
Bumangon ang San Miguel Beer mula 21 puntos na pagkakabaon para talunin ang TNT KaTropa, 121-110 sa first game.
Isang pamatay na 18-4 run ang ibinagsak ng Beermen para makuha ang panalo matapos maghabol sa Tropang Texters mula first hanggang third quarter.
Umiskor ng 36 points si Renaldo Balkman habang may 27 points si June Mar Fajardo para pangunahan ang Beermen sa panalo para sa 1-0 na lamang sa kanilang serye.
Hindi rin nagpahuli ang Barangay Ginebra nang pigilan nila ang Meralco Bolts, 88-81 sa second game.
Binuhat ni Justin Brownlee ang Gin Kings sa kaniyang 25 points. May 14 points naman si Joe Devance bilang suporta kay Brownlee.