PBA | Special committee, bubuuin para busisiin ang mga palitan ng players

Manila, Philippines – Para maiwasan maulit ang kontrobersiyal na trade ng San Miguel Beer at Kia Picanto ng top pick sa rookie draft, bubuo ng special committee ang Philippine Basketball Association na siyang bubusisi sa lahat ng mangyayaring palitan ng mga player sa liga.

Ito ang agad na inutos ni Willie Marcial sa kaniyang unang araw bilang OIC ng PBA.

Dati rati kasi ang PBA Commissioner lamang ang nagdedesisyon kung papayagan o hindi ang trade sa pagitan ng mga team.


Ito ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng krisis sa liga na naging dahilan ng pagbibitiw sa puwesto ni dating Commissioner Chito Narvasa bago matapos ang nakaraang taon

Hindi pa pinangalanan ni Marcial kung sinu-sino ang bubuo sa special committee dahil kailangan pang aprubahan ito ng Board of Governors na nakatakdang magpulong sa January 26.

Facebook Comments