PBA, target magbukas ng panibagong season sa June 25

49

Posibleng magbukas na ng panibagong season ang Philippine Basketball Association (PBA) sa darating na June 25 sa oras na payagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, hinihintay na lamang nilang ibaba ang quarantine classification sa NCR Plus bubble upang makabalik ensayo na ang koponan na sa kasalukuyan ay nasa Batangas, Clark at Laoag.


Sakaling matuloy ang 46th season ng PBA Commissioner’s Cup sa June 25 ay nakatakda itong matapos sa Enero sa susunod na taon.

Facebook Comments