PBA, tinanggal na ang deadline sa mga players na nais pumasok sa Clark “bubble” para sa pagpapatuloy ng Philippine Cup

48

Inaprubahan na ng Philippine Basketball Association Board of Governors ang proposal na alisin na ang deadline ng pagpasok ng mga players sa Clark “bubble” para sa pagpapatuloy ng Philippine Cup.

Ayon kay Deputy Commissioner Eric Castro, maari nang pumasok sa Clark “bubble” ang mga players o nasa 25-man line-up ng anumang team sa PBA hangga’t hindi natatapos ang conference.

Sinabi pa ni Castro na ang hindi lang papayagan ay ang mga players na lumabas ng “bubble” at planong bumalik muli.

Matatandaan na sa October 10, 2020 ang napag-usapang deadline ng pagpasok ng mga player pero dahil sa may kani-kanilang commitment lalo na sa pamilya, ang iba sa kanila ay plano na lamang humabol bago muling magsimula ang Philipppine Cup sa October 11, 2020.

Facebook Comments