PBA | TNT katropa, kinuha si Don Trollano sa Rain or Shine kapalit ni Norbert Torres

112

Manila, Philippines – Kinuha ng TNT katropa ang bigman na si Don Trollano sa Rain or Shine kapalit ni Norbert Torres.

Inaprubahan kahapon ng PBA Commissioners Office ang nasabing trade na dumaan pa ng limang beses na revision.

Ito na ang ikalawang beses na nagkaroon ng trade sa pagitan ng dalawang team kung saan unang kinuha ng TNT si Jerico Cruz bago pa man matapos ang Philippine Cup.
Sa ngayon, naghahanap na din ng import ang katropa para muling palakasin ang kanilang line-up at makabawi sa pagkatalo nila noon sa San Miguel Beermen sa championship series.

Facebook Comments