PBA | TNT KaTropa, panalo kontra Columbian Dyip; 118-114

Manila, Philippines – Nakabawi ang TNT KaTropa nang manaig sila sa overtime game kontra Columbian Dyip sa score na 118-114.

Nakapagtala ng 25 points, anim na rebounds at pitong assists si Jayson Castro para sa TNT.

Nag-ambag din si Terrence Romeo na may 22 markers at anim na assists.


Sa panig naman ng Columbian, nagtala ng 26 points at siyam na rebounds si Jerramy King habang may 24 puntos at tig-siyam na rebounds at assists ang import na si Akeen Wright.

Umakyat na sa 2-4 ang record ng TNT habang wala pang panalo ang Dyip sa limang laro.

Facebook Comments