Ilang araw matapos maisapinal ang implementing rules and regulations o IRR ng Maharlika Investment Fund o MIF, inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang closing keynote sa Philippine Economic Briefing o PEB sa San Francisco, California na may 80 infrastructure projects ang popondohan sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund.
Ibinida rin ng pangulo sa ginanap na PEB ang economic development ng Pilipinas.
Ang PEB ay nagsisilbing platform para sa mga key officials upang mailahad ang domestic at international business maging financial communities para sa investment opportunities sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, sa ilalim ng Marcos Administration mayroong 11 international PEB o Philippine Economic Briefing, dalawa rito ay sa Singapore, isa sa Germany, United Kingdom, Japan, Canada, Qatar, at sa United Arab Emirates.
Ang PEB naman na ginawa sa San Francisco California ay pang-12 international PEB at pang apat sa US. Domestic PEBs na una nang ginawa sa Maynila at sa mga key business centers sa Pilipinas gaya ng Cebu, Davao at Laoag.
Dahil dito, kumpyansa ang pangulo na handa na ang Pilipinas para maging isa sa nangungunang investment hub sa Asya na na isang magandang oportunidad sa Pilipinas.