PBBM, aprubado na ang pag-upo ni Lt. Gen. Nartatez bilang bagong PNP chief

Opisyal nang itinatalaga si Lt Gen. Jose Melencio Nartatez bilang bagong hepe ng Philippine National Police.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rekomendasyon ng Office of the President na palitan ni Nartatez sa pwesto si Gen Nicolas Torre III.

Nauna nang kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin na sinibak sa pwesto si Torre matapos ang halos tatlong buwang panunungkulan.

Nitong Aug. 6 lang nang italaga si Nartatez bilang head ng Area Police Command for Western Mindanao.

Nagpalit sila ng puwesto ni dating PNP spokesperson Lt. Gen. Bernard Banac na itinalaga namang No. 2 man o deputy chief for administration.

Samantala, hanggang sa mga oras na ito ay wala pang inilalabas na impormasyon ang Palasyo sa dahilan ng pagkakatanggal ni Torre sa pwesto.

Facebook Comments