PBBM: ASF vaccine, malapit nang mabili sa merkado

Kumpleto na ang unang bahagi ng safety and efficacy trial ng African Swine Fever o ASF vaccine.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa dinaluhan nitong livestock and aquaculture expo and forum 2023.

Sa katunayan aniya, magkakaroon na ng certificate of product registration para sa ASF vaccine na siyang inaasikaso na ngayon ng Food and Drug Administration (FDA) habang pinaghahandaan ang 2nd phase.


Ayon sa pangulo, napatunayan ang 80% na epektibo ng ASF vaccine pero mayroon pa rin aniyang 20% na kailangang bantayan kaya hindi pa dapat magpakakampante.

Hindi aniya dapat balewalain ang halaga ng bakunang ito sa mga alagang baboy.

Samantala, inihayag din ng pangulo na may development na sa pagbili ng avian influenza vaccines.

Sinabi ng pangulo, hinihikayat ng gobyerno ang manufacturers na iparehistro na ang kanilang mga produkto sa FDA habang isinasapinal pa ang guidelines para rito.

Naniniwala si Pangulong Marcos Jr., na mahalagang bilisan ang pagresolba sa problema sa epekto ng ASF at Avian Influenza.

Facebook Comments