Thursday, January 22, 2026

PBBM at BSP, tinalakay ang pagbaba ng interes at takbo ng ekonomiya ng bansa

Tinalakay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona Jr., ang pagbaba ng interes at ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa.

Ibinaba ng BSP ang key policy interest rate sa 4.5 porsiyento, kasama ang bawas sa interes sa overnight deposits at pautang.

Ayon sa central bank, inaasahang mananatiling katamtaman ang paglago ng ekonomiya sa unang bahagi ng 2026 bago bumilis sa 2027, at malapit nang matapos ang kasalukuyang pagluwag sa polisiya sa interes.

Samantala, inaasahan din ng World Bank na lalakas ang ekonomiya sa susunod na dalawang taon, kasabay ng mas aktibong paggastos, pagtaas ng pamumuhunan, at pagpapatuloy ng mga proyektong pang-imprastraktura, lalo na sa mga rehiyon sa labas ng Metro Manila.

Facebook Comments