
Nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Canadian Prime Minister Mark Carney sa pamamagitan ng phone call.
Sa kanilang usapan, tinalakay ng dalawang lider kung paano palalakasin ang kooperasyon ng Pilipinas at Canada sa kalakalan, depensa, at sa pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon.
Ayon sa pangulo, umaasa siyang ipagpapatuloy at mas lalalim pa ang magandang relasyon ng Pilipinas at Canada para sa kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Samantala, nagpasalamat naman si Pangulong Marcos kay PM Carney sa mabilis na tulong ng Canada para sa mga Pilipino sa Vancouver matapos ang nangyaring trahedya sa Lapu-Lapu Day Festival.
Facebook Comments









