PBBM at DA, pinangunahan ang pagbubukas ng Korea-backed greenhouse project sa Quezon

Pinangunahan nila Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tui Laurel Jr., ang pagbubukas ng South Korea-backed greenhouse at postharvest facility sa Lucban, Quezon.

Ito ay tinuturing na isang hakbang ng gobyerno tungo sa modernisasyon ng agrikultura at tugon na rin sa pagsusulong sa laban sa epekto ng climate change.

Ayon kay PBBM, ang pagbubukas ng greenhouses at post-harvest facilities sa tulong ng Korea Partnership for Innovation of Agriculture (KOPIA) ay makatutulong sa modernong paraan at layuning makamit sa bansa ang seguridad ng pagkain.


Nagpasalamat naman si Agriculture Secretary Laurel Jr. sa KOPIA sa pagtulong sa Bureau of Plant Industry o BPI at lokal na pamahalaan ng Lucban dahil ang proyektong ito ay mahalaga upang maiangat ang pagsasaka ng mga komunidad sa bansa.

Nabanggit din ng kalihim ang epekto ng climate change sa agrikuktura partikular na ang epekto ng El Niño at pati na rin ang pagsulpot ng mga peste.

Ang greenhouse facility sa Lucban ay isa sa mga 20 na itinatag na pasilidad sa tulong ng South Korea at ng gobyerno sa mga piling lugar sa Quezon, Laguna, at Nueva Ecija

Facebook Comments