
Hinamon ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio sina Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at lalo na si dating Undersecretary Adrian Bersamin na magsalita at magpaliwanag.
Kaugnay ito sa nabunyag na palitan nila ng text messages patungkol sa “kickbacks” mula sa budget insertions at maanumalyang flood control projects.
Diin ni Tinio, lehitimo ang mga komunikasyon sa pagitan ni PBBM at Bersamin na ipinakita sa kanila ni Batangas Rep. Leandro Leviste.
Sabi ni Tinio, kanya itong isiniwalat dahil dapat itong malaman ng lahat at dapat gamiting gabay sa imbestigasyon laban sa nakapalaking korapsyon sa pera ng taumbayan.
Facebook Comments










