
Nanawagan si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa Department of Budget and Management (DBM) na agad nang ilabas ang buong ₱20,000 Service Recognition Incentive (SRI) na umano’y utang pa ng gobyerno sa mga guro at iba pang kawani ng Department of Education.
Ayon kay Tinio, ₱14,500 pa lamang ang natatanggap ng mga guro sa ngayon dahil hulugan ang ginawang pagbibigay ng pamahalaan.
Giit ni Tinio, hindi patas na natanggap na ng ibang kawani ng gobyerno ang kanilang buong SRI, samantalang ang para sa mga guro ay hindi pa rin naibibigay nang buo hanggang sa kasalukuyan.
Facebook Comments










