PBBM at Executive Secretary Bersamin, inaasahang magsasalita patungkol sa panibagong isyu ng sugar importation

Hinihintay ni Senator Risa Hontiveros na magsalita sina Pangulong Bongbong Marcos Jr., at Executive Secretary (ES) Lucas Bersamin para bigyang linaw ang lumulutang na naman na alegasyon ng ‘sugar smuggling’ sa Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Hontiveros, kung magsasalita si Pangulong Marcos Jr., at si ES Bersamin patungkol sa isyu ay makakatulong ito para klaruhin ang hinihinalang iregularidad sa importasyon ng asukal at makakatulong din para hindi na maulit ang katulad na pangyayari.

Umaasa ang senadora na magpapahayag ang pangulo sa isyu lalo’t ito ang kasalukuyang kalihim ng DA habang si Bersamin naman ay nababanggit naman sa mga sulat at ilang chat groups patungkol sa importasyon ng asukal.


Naghain na si Hontiveros ng Senate Resolution 487 na nag-aatas sa Senate Blue Ribbon Committee para siyasatin ang pagdating sa Batangas port ng 260 containers ng asukal mula sa Thailand bago pa man mailabas ang sugar order number 6.

Sa ibinulgar ni Hontiveros na impormasyon, February 9 dumating sa bansa ang ini-import na asukal gayong February 15 lang nailabas ang SO6.

Maliban dito, may sinusuri rin na sulat si Hontiveros na may pagpapahintulot ng importasyon ng asukal para sa ilang partikular na kompanya na ang instructions ay mula umano kay Bersamin at nilagdaan ni Agriculture Usec. Domingo Panganiban.

Facebook Comments