PBBM at First Lady Liza Araneta Marcos, dumating na sa Heritage Park para sa burol ni DMW Secretary Susan Ople

Bumisita sa Heritage Park sa Taguig sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at First Lady Liza Araneta Marcos para sa burol ni Migrant Workers Secretary Susan Ople.

Eksatong alas-7:29 ng gabi nang dumating si Pangulong Marcos sa venue, kung saan nakipag-usap pa ito kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnel Ignacio bago umalis ng alas-8:05 ng gabi.

Dumalaw rin para makiramay ang ilang gabinete ni Pangulong Marcos na sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco, at Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.


Samantala, dumating din sa burol ni Secretary Ople sina dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, House Speaker Martin Romualdez, Kabayan Representative Ron Salo at dating Sen. Manny Villar at Sen. Cynthia Villar.

Eksakto alas-6:00 ngayong gabi nang buksan ang burol ng pumanaw na kalihim para sa mga kaanak, kaibigan, at kasamahan sa gobyerno.

Facebook Comments