PBBM at First Lady Liza Marcos, dumalo sa Gala dinner na hosted ni Japan Prime Minister Kishida Fumio sa Tokyo, Japan

Nakiisa si Pangulong Ferdinad Marcos Jr., at First Lady Liza Araneta Marcos sa ginanap Gala dinner kagabi na hosted ni Japanese Prime Minister Kishida Fumio.

Ang Gala dinner ay nilaan ni Prime Minister Kishida Fumio at kanyang asawa Kishida Yuko sa lahat ng dumalo sa Commemorative Summit for the 50th Year of ASEAN-Japan Friendship and Cooperation.

Umabot sa halos 200 ang bisita sa Gala Dinner kabilang ang ASEAN leaders, kanilang mga asawa, representative mula sa political parties, related organizations, private companies at cultural figures.


Nagbigay ng mensahe si Prime Minister at pagkatapos ay sinundan ng mga performances ng SIRO-A bilang pagalala sa ika-50 taong ASEAN-Japan Friendship and Cooperation.

Mayroong dance performance ang Tezukayama Gakuin High School Dance Club; at nag-perform ng AUNJ Classic Orchestra ang Japanese traditional instrument musicians.

Ang Gala dinner ay isang oportunidad para ma-entertain ang mga bisita sa pamamagitan ng mga performances at cuisine, bilang selebrasyon sa ika-50 taong ASEAN-Japan Friendship and Cooperation.

Facebook Comments