PBBM at First Lady Liza Marcos, pinailawan na ang giant Christmas tree sa Malacañang

Muling nagliwanag ang Palasyo ng Malacañang matapos pailawan ang giant Christmas tree, sa pangunguna nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos, nitong Linggo ng gabi, Nobyembre 23.

Ayon sa Pangulo, espesyal ang Pasko para sa mga Pilipino dahil ito ang panahon ng pagsasama-sama ng pamilya, lalo na para sa mga kababayang umuuwi mula abroad.

Paalala rin ito na huminto sandali, magpahinga, at damhin ang panahong kasama ang pamilya at mga mahal sa buhay.

Bisita ng First Couple sa taunang Christmas tree lighting ang mga cabinet secretary at malalapit na kaibigan at pamilya.

Kasabay nito, pinarangalan din ang mga nanalo sa parol-making contest na umabot sa 133 entry mula sa mga Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) training institute sa buong bansa.

Facebook Comments