PBBM at First Lady Louise Araneta-Marcos, dadalo sa coronation ni King Charles III sa London

Tinanggap ni Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Louise Araneta-Marcos ang imbitasyon ni His Majesty King Charles III at Her Majesty the Queen Consort na dumalo sa gaganaping koronasyon sa ika-6 ng Mayo.

Batay ito sa ulat ng Presidential Communications Office.

Bukod dito ay tinanggap din ng pangulo at kanyang first lady ang ipinadalang imbitasyon ng The Master of the Household para sa gaganaping reception sa Buckingham Palace sa London United Kingdom sa Mayo 5 matapos na iutos ni King Charles III.


Ang Master of the Household ang nangangasiwa sa pagpaplano at programme ng gaganaping malaking aktibidad sa London, United Kingdom.

Facebook Comments