
Simple lamang ang plano nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ngayong Valentine’s Day.
Sa kanyang vlog, ibinahagi ng Pangulo na hindi nila kailangan ng engrandeng selebrasyon. Aniya, sapat na ang makahanap ng kahit isang gabing walang iniintinding trabaho upang makapagkasama nang tahimik.
Kung may ihahanda man, oysters at champagne ang pipiliin ng Pangulo—mga pagkaing madalas nilang pagsaluhan noong nagsisimula pa lamang ang kanilang relasyon.
Binanggit din niya ang kantang Moonlight in Vermont bilang kanilang theme song, na aniya’y naging bahagi ng isa sa kanilang mga unang date sa New York.
Ayon sa Pangulo, mahigit 30 taon na silang mag-asawa, at ang sikreto ng kanilang matatag na pagsasama ay pagbibigayan at pag-unawa.
May payo rin siya sa mga kabataan ngayong Valentine’s Day na pahalagahan ang respeto, tiwala, at maayos na komunikasyon sa isang relasyon.










