PBBM at FL Liza Marcos, bumisita sa burol ni dating Senior Deputy Executive Secretary Atty. Hubert Guevara

Personal na dumalo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at First Lady Liza Araneta-Marcos sa isang misa para sa yumaong Securities and Exchange Commission (SEC) Commissioner at dating Senior Deputy Executive Secretary na si Atty. Hubert Guevara.

Dito ay inaalala ni Pangulong Marcos ang mabuting paglilingkod ni Guevara, at ipinaabot ang kanyang pakikiramay sa naiwang pamilya ng opisyal.

Pumanaw si Guevara noong Biyernes dahil sa atake sa puso.


Bago maging commissioner si Guevara ay nagsilbi siya bilang senior deputy executive secretary, at director ng Compliance and Enforcement Department ng SEC noong 2004.

Facebook Comments