
Kalmado at matatag na tinanggap nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos ang mabibigat na paratang ni Senadora Imee Marcos na umano’y gumagamit sila ng ilegal na droga.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nalungkot ang First Couple sa akusasyon, pero hindi raw kailangang magmura o magwala ang Pangulo dahil ang mahalaga ay lumaban sa fake news.
Sabi pa ni Castro, kahit anong paninira, hindi sinasagot ng Pangulo ang kapatid niya nang masama.
Dagdag pa nito, sarili niyang kapatid ang binabanatan ni Senadora Imee imbes na tumutok sa isyu ng katiwalian sa bansa.
Giit ng Palasyo, pinoprotektahan ng senadora ang mga kaalyado habang tuloy-tuloy ang imbestigasyon ng gobyerno sa mga maanomalyang flood control projects.
Sa gitna ng ingay, tiniyak ng Palasyo na tuloy ang trabaho at paglaban ng administrasyon sa disinformation.









