PBBM at FL Liza Marcos, wish na magka-apo ngayong Pasko

Ibinahagi nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang kanilang Christmas wish ngayong Pasko.

Ayon sa Pangulo, madalas daw nilang tanungin ang kanilang tatlong anak kung bakit wala pa silang apo.

Sinang-ayunan naman ito ng First Lady at pabirong sinabi na apo rin ang kanyang Christmas wish.

Pabiro pang dagdag ng Pangulo na tila wala pa raw “nabobola” ang kaniyang mga anak para magbigay ng apo sa kanila.

Ang tatlong anak ng First Couple ay sina Joseph Simon, William Vincent, at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos.

Samantala, nagpaalala rin ang Pangulo sa mga nakatanggap ng regalong hindi nila nagustuhan.

Aniya, mahalagang magpasalamat sa anumang regalong matatanggap dahil ito ay ibinibigay nang bukal sa loob, at dito mas nararamdaman ang tunay na diwa ng Pasko.

Facebook Comments