Bumisita na si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) sa puntod ng kaniyang amang si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Pasado alas-nuwebe ng umaga nang magtungo si PBBM upang dumalo sa misa para sa dating pangulo at sa lahat ng mga yumao kasabay ng paggunita ng All Saint’s Day.
Bago dumating ang pangulo, nauna ang kaniyang inang si dating First Lady Imelda Marcos.
Pagkatapos ng misa, dinasal ang prayer for the country na sinulat mismo ng yumaong Pangulong Marcos Sr.
Sa mensahe naman ni PBBM, nagpasalamat ito sa ambag ng kaniyang ama na siyang ginagamit naman niya ngayong inspirasyon bilang isang presidente.
Facebook Comments