Nagkausap sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Israeli Ambassador Ilan Fluss sa Palasyo ng Malacañang ngayong hapon.
Ayon sa Presidential Communications Office, nagbigay ng mga bagong impormasyon si Israeli Ambassador kay Pangulong Marcos patungkol sa ginawang pag-atake ng Hamas sa Israel.
Natalakay rin sa pagpupulong ang concern ng pangulo sa tatlo pang Pilipinong nawawala sa Israel.
Tiniyak naman ni Israeli Ambassador kay Pangulong Marcos Jr., na ginagawa ng Israel government ang lahat para matiyak ang kaligtasan ng lahat ng Pilipino sa Israel.
Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos Jr., sa Israel partikular sa Israeli Defense Forces dahil sa pag-rescue sa mahigit 20 Pilipino.
Sa pagpupulong, tiniyak ni Pangulong Marcos kay Ambassador Fluss na nakasuporta ang Pilipinas sa Israel sa laban nito sa Hamas Group.