
Ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kaniyang mga gabinete nitong Sabado para sa isang spiritual session o retreat.
Pinangunahan ni Father Tito Caluag ang spiritual session para sa mga cabinet member.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, sa naturang pagtitipon ay binigyan ng spiritual guidance ang mga gabinete at iba pang opisyal ng gobyerno hindi lamang para sa kanilang pagsisilbi sa pamahalaan o bilang public servants kundi bilang isang indibidwal.
Isang pagkakataon din aniya ang retreat na nagkasama-sama ang pangulo at lahat ng kaniyang mga gabinete.
Samantala, hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang Palasyo kaugnay sa nasabing pagtitipon.
Facebook Comments









