Nagpulong sa Malakanyang kahapon sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at mga opisyal ng dalawang malalaking telecommunication at digital platform service provider.
Sa Facebook post ng Office of the Press Secretary makikita ang mga larawan ng pagpupulong.
Nakausap ng pangulo sina Dennis Anthony Uy ng Converge ICT at mga opisyal ng KT Corporation na sina CEO Dr. Hyeon-Mo Ku, at President Mr. Kyoung-Lim Yun.
Ang KT Corp. na naitatag noong 1981 ay isa sa mga pinakamalalaking telecommunications at digital platform service provider sa Korea.
Ito ngayon ay nakikipagtulungan sa pamahalaan ng iba’t ibang mga bansa para sa pagtayo ng mga imprastrakturang pang-impormasyon at komunikasyon
Una nang inihayag ng pangulo sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) na isusulong niya ang digitalization sa mga transaksyon sa gobyerno para sa efficient delivery ng serbisyo sa publiko.