PBBM at mga opisyal ng ehekutibo, handang isapubliko ang SALN oras na tanggalin ng Ombudsman ang umiiral na restrictions —Malacañang

Tiniyak ng Malacañang na handang isapubliko ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) sakaling alisin na ng Office of the Ombudsman ang mga umiiral na limitasyon sa pagkuha ng kopya nito.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bukas ang pangulo sa anumang hakbang na makapagpapatibay sa transparency at pananagutan sa pamahalaan.

Giit ni Castro, handa naman ang lahat ng opisyal sa ehekutibo na isumite o ibahagi ang kanilang SALN kung ito ay kakailanganin.

Matatandaang inanunsyo ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na maglalabas siya ngayong linggo ng memorandum na mag-aalis ng restrictions sa pagkuha ng SALN ng mga opisyal ng gobyerno.

Ang hakbang na ito ay itinuturing na bahagi ng pagpapatatag ng kampanya laban sa korapsyon sa gitna ng mga isinasagawang imbestigasyon sa iba’t ibang proyekto ng pamahalaan.

Facebook Comments