PBBM at outgoing Chinese Ambassador Huang Xilian, nagpulong sa Malacañang

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos kay outgoing Chinese Ambassador to the Philippine Huang Xilian ngayong Huwebes.

Ayon sa pangulo, tinalakay nila ang mga areas of engagement sa pagitan ng Pilipinas at ng China.

Sa isang pahayag naman, inilarawan ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea ang naging panunungkulan ni Huang bilang isang kontrobersiyal lalo na sa isyu sa teritoryo ng bansa.

Sinabi ni Tarriela na sang-ayon siya kay Pangulong Marcos Jr. na naging maliit lang ang progreso sa mga hamon sa West Philippine Sea sa ilalim ng panunungkulan ni Huang bilang envoy ng Beijing.

Samantala, kinondena ng ilang grupo ang foreign social media post na lumait kay Pangulong Marcos Jr. at tinawag umano itong may “low IQ”.

Ayon kay Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya, People’s Alliance for Democracy and Reforms, Liga Independencia Pilipinas, at Filipinos Do Not Yield Movement, malinaw na ito ay desperadong propaganda laban sa isang lider na matatag na ipinaglalaban ang kapakanan ng mga Pilipino.

Nakaugat aniya sa soberanya ang pamumuno ni PBBM na ipinagtanggol ang West Philippine Sea nang hindi nauuwi sa digmaan, at pinalakas ang alyansa nang hindi isinusuko ang karapatan ng bansa.

Facebook Comments