PBBM at presumptive Indonesian President Subianto, nagkasundong patatagin pa ang bilateral relations ng Pilipinas at Indonesia

Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at presumptive Indonesian President Prabowo Subianto na mas patatagin pa ang bilateral relations ng Pilipinas at Indonesia.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), kahapon ay nagkausap sina Pangulong Marcos at Indonesian Defense Minister Prabowo sa telepono.

Dito ipinabatid ng pangulo ang hangaring patatagin ang mahigit 70-taong diplomatic relations ng dalawang bansa na nagsimula noong November 24, 1949.


Partikular na rito ugnayan sa larangan ng enerhiya, depensa, agham at teknolohiya, at ekonomiya.

Nais din aniya ni Pangulong Marcos na makaharap nang personal si Prabowo para maipabot ang pagpabati sa pagkapanalo nito sa presidential elections.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Prabowo kay Pangulong Marcos na ipagpapatuloy niya ang itinatag na ugnayan ni President Joko Widodo sa Pilipinas.

Facebook Comments