PBBM at Ukrainian President Zelenskyy, nagpulong

Nag-usap sa telepono sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy upang pagtibayin ang relasyon ng Pilipinas at Ukraine.

Ayon sa Pangulo, tinalakay nila ang mga posibleng pagtutulungan sa food security, agriculture, at digitalization.

Kasama ring napag-usapan ang pagpapalakas ng koneksyon sa pagitan ng ASEAN at Ukraine, lalo na’t pamumunuan ng Pilipinas ang ASEAN sa 2026.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Zelenskyy sa Pilipinas dahil sa mga nasawi at pinsalang iniwan ng mga nagdaang bagyo.

Binigyang-diin din niya ang patuloy na koordinasyon ng Ukraine kasama ang United States at iba pang international partners para sa mga hakbang tungo sa matatag at pangmatagalang kapayapaan.

Nagpasalamat din si Zelenskyy sa suporta ng Pilipinas sa peace efforts ng Ukraine, gayundin sa kanilang sovereignty at territorial integrity.

Facebook Comments