PBBM at US Pres. Biden, magpupulong – Malakanyang

Kinumpirma ng Malakanyang na matutuloy na ang pulong nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at US President Joe Biden sa United Nations General Assembly (UNGA) sa Estados Unidos.

 

Sa inilabas na pahayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, sinabi nito na pag-uusapan ng dalawang lider ang 76 na mabungang taon ng pagiging magka-alyansa ng Pilipinas at Amerika.

 

Partikular aniya na magiging sentro ng pulong ng dalawang lider ay ang usapin ng mutual cooperation, two-way trade o pagpapayabong sa kalakalan, direct investment o pamumuhunan ng Amerika sa Pilipinas at iba pang mga isyu na kinakaharap ng mundo.


 

Ito ang unang pagkakataon na magkikita at magkakaharap si Pangulong Bongbong Marcos at President Biden.

Facebook Comments