PBBM at US President-elect Donald Trump, planong magpulong sa White House

Nagkausap sa telepono ngayong araw sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at US President-elect Donald Trump, kung saan ipinaabot ng pangulo ang kaniyang pagbati sa pagkakapanalo ni Trump sa nagdaang US Presidential elections.

Sa ambush interview sa Catanduanes, sinabi ng pangulo na tinalakay nila ang alyansa ng Pilipinas at Amerika at ang pagnanais na palalimin pa ang relasyon nito.

Ibinida rin niya na karamihan sa mga Pilipino ay bumoto kay Trump noong eleksyon.


Ayon pa sa pangulo, pinaplano niyang makipagkita kay Trump oras na maupo na ito sa White House.

Sa kabuuan ay naging maganda at produktibo ang naging pag-uusap ng dalawang lider.

Samantala, sinabi rin ng pangulo na kinamusta ni Trump ang kanyang inang si dating First Lady Imelda Marcos na kaibigan at personal na kilala ni Trump.

Facebook Comments