PBBM at Vietnamese Prime Minister, nagkaroon ng bilateral meeting; Pagtutulungan sa pagpapalawig nang kalakalan, agrikultura at turismo napagkasunduan

Nagkasundo ang gobyerno ng Pilipinas at gobyerno ng Vietnam na magtutulungan sa pagpapalawig nang kalakakan, agrikultura, turismo at defense security.

Ang kasunduan ay naganap matapos ang bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh na sidelines ng 42nd ASEAN Summit sa Indonesia.

Sa bilateral meeting, tiniyak ni Pangulong Marcos Jr. sa pamahalaan ng Vietnam na pagyayabungin ang kalakakalan lalo na ang agricultural products na mahalaga sa food supply ng bansa.


Ang Vietnam ang isa sa pinagkukunan ng bigas ng Pilipinas.

Naniniwala naman ang dalawang lider, mas gaganda ang relasyon ng Pilipinas at Vietnam sa tulong ng mga pribadong sektor.

Sinabi ni Prime Minister Pham, nagpapatuloy ang pagunlad sa agrikultura lalo’t nagagawa na ngayon ang transfer of technologies para paghahanda sa epekto ng climate change.

Sa usapin naman ng turismo, binanggit nang pangulo kay Prime Minister Pham na turismo ang importante bahagi ng ekonimiya ng Pilipinas at ang Vietnam aniya ay mahalagang partner ng Pilipinas para sa recovery ng Philippine tourism matapos ang COVID-19 lockdowns.

Humiling naman ng suporta ang Vietnamese leader sa Pilipinas na suportahan ang Vietnam’s candidacy para sa United Nations-led organizations, kabilang na ang UN Human Rights Council, the UN Security Council, the Presidency of the 91st session of the United Nations General Assembly, maging ang UN Commission on International Trade.

Facebook Comments