PBBM at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh, nagsagawa ng bilateral meeting sa Cambodia; seguridad, kalakalan at agrikultura, sentro ng kanilang pagpupulong

Nagsagawa ng bilateral meeting sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh ngayong hapon sa Sokha Hotel sa Phnom Penh, Cambodia.

Ito ay sideline meeting ng pangulo kaugnay sa ginaganap na 40th at 41st ASEAN Summits and related meeting sa Cambodia.

Sa isinagawang bilateral meeting tinalakay ng dalawang lider ang usapin patungkol sa pagpapalakas ng seguridad, kalakalan, investment, agrikultura at maritime security.


Sa bilateral meeting, sinabi ni Marcos na umaasa siyang mas magiging maganda ang relasyon ng Pilipinas at Vietnam.

Aniya pa, mahalagang partner ng Pilipinas ang Vietnam para sa pagtiyak ng food security lalo’t 90% ng rice importation ng Pilipinas ay nanggagaling sa Vietnam.

Ngayong taon ay muling binuo ang Philippine Trade and Investment Center (PTIC) sa Ho Chi Minh sa Vietnam na inaasahang mas magpapagand ng economic relations sa pagitan ng Vietnam at Pilipinas.

Samantala, nabanggit din ni Marcos sa bilateral meeting ang pangangilangan ng ASEAN na maghanap ng common ground pagdating sa mga mahahalagang usapin gaya ng tensyon sa Taiwan maging ang krisis sa Myanmar.

Giit ng pangulo, kailangang magawan ng paraan na maayos ang mga tensyon na ito.

Facebook Comments