Bumisita ngayong araw si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte sa V. Mapa High School sa San Miguel, Maynila.
Ito ay upang makibahagi sa kick-off ceremony o unang araw ng Brigada Eskwela para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Nakibahagi ang dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa sa pagkukumpuni ng silya ng paaralan – kung saan si Pangulong Marcos at VP Sara pa mismo ang nagpintura ng ilang silya.
Maliban dito, nagbahagi rin sila ng mga gamit pang eskwela at tulong pinansyal sa naturang paaralan na nagkakahalaga ng ₱1-M.
Bukod pa rito, ang mga ibinigay na mga pintura at kagamitang panglinis na gagamitin para sa Brigada Eskwela.
Mamayang hapon ay magtutungo si Marcos sa Pasay City para sa ceremonial launching ng Media and Information Literacy (MIL) campaign project laban sa disinformation at misinformation o fake news.