PBBM at VP Sara, hindi apektado sa mga batikos laban sa kanila

Hindi apektado sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte-Carpio sa kabila ng pag-amin ni First Lady Liza Araneta Marcos na bad shot na sa kanya si VP Sara.

Ito’y matapos kapwa dumalo sina PBBM at VP Sara sa 45th PNPA Commencement Exercises sa Camp Gen. Mariano CastaƱeda, Silang, Cavite kahapon.

Bagama’t hindi nagpaunlak ng interview sa media ang dalawang lider, ay tila dedma ang dalawa sa mga ipinupukol na isyu laban sa kanila.


Sa katunayan, nagbeso pa sina PBBM at VP Sara nang magkita sa PNPA graduation.

May mga pagkakataon ring nag-uusap o nagku-kwentuhan ang mga ito habang nasa entablado.

Samantala, hanggang sa ngayon ay tikom pa ang bibig ng Palasyo ng MalacaƱang sa naging panayam ni Ka Tunying kay First Lady Liza Araneta Marcos.

Facebook Comments