Wednesday, February 25, 2026

PBBM at VP Sara, pinagbibitiw na ni Rep. Erice

Pinagbibitiw na sa pwesto ni House Senior Deputy Minority Leader at Caloocan City Rep. Edgar Erice sina Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr at Vice President Sara Duterte.

Panawagan ito ni Erice sa kanyang pagdalo sa Trillion Peso March para sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon kay Erice, nakakadismaya na ang dating UniTeam na inasahang susi sa pag-unlad ng bayan ay unli away at unli nakaw na ngayon.

Kaya pakiusap ni Erice, kung may kahihiyan sila at awa sa bayan ay mainam na bumaba na sila sa pwesto at nakasaad naman sa Konstitusyon ang proseso at kung sino ang dapat pumalit sa kanila.

Facebook Comments