
Itinanggi ng Malacañang ang spekulasyong malapit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay dating congressman Zaldy Co, sa gitna ng sunod-sunod na akusasyong ibinabato nito laban sa Pangulo.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, walang kahit anong ebidensiya o senyales na may personal na “closeness” ang dalawa.
Kung nagkakausap man umano sila, trabaho lang at walang personal na ugnayang puwedeng gawing basehan ng mga paratang.
Binigyang-diin ng Palasyo na ginagamit lang umano ni Co ang isyu para iligtas ang sarili sa gitna ng lumalaking kaso at kontrobersiyang kinasasangkutan niya.
Malinaw rin aniya na puro kasinungalingan ang ikinakalat ni Co, at malinaw na taktika lang ito para takasan ang pananagutan.
Facebook Comments









