Hindi na muna magsasagawa ng situational briefing si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa gitna ng Bagyong Enteng.
Sa ambush interviews sa Malacañang, ipinaliwanag ng Pangulo na abala ngayon sa kanilang trabaho ang NDRRMC sa pagtugon sa epekto ng masamang panahon.
Polisiya aniya nito na huwag istorbohin ang kaukulang mga ahensya sa gitna ng krisis.
Palagian rin naman daw nagbibigay ng update ang mga ito tungkol sa sitwasyon sa bawat lugar.
Ayon pa kay Pangulong Marcos, pumapasok lang sila kapag mayroong mga abiso na kailangang agarang maiparating sa publiko tulad ng suspensiyon ng klase at pasok sa trabaho.
Facebook Comments