PBBM, bahagyang naaapektuhan sa mga fake news sa social media

Inamin ng Malacañang na bahagyang naapektuhan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mga fake news sa social media.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, may mga pagkakataon aniya na nagbabasa ng social media ang pangulo at maling impormasyon ang ibang nakikita.

Ito aniya ang dahilan kung bakit inatasan ni Pangulong Marcos ang Presidential Communications Office (PCO) labanan ang mga maling impormasyon, hindi lang din para sa pangulo kundi para sa bansa.


Isa sa mga kinontra ng Palasyo ay ang alegasyong edited ang larawan ng meeting ni First Lady Liza Marcos kasama ang Asian Cultural Council.

Bagama’t wala umano silang inaakusahan na nagpapakalat ng fake news, nagsimulang maging tampulan ng maling impormasyon ang pangulo at ang First Family simula nang hindi na naging maganda ang relasyon ni Vice President Sara Duterte sa pamilya Marcos.

Kamakailan ay lumagda sa isang kasunduan ang PCO at Cybercrime Investigation and Coordinating Center na magpapalakas ng kampanya kontra disinformation at online scams.

Facebook Comments