Balik Pilipinas na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos ang kaniyang limang araw na working visit at state visit sa Europe.
Sa arrival statement ni Pangulong Marcos, ibinahagi nito ang mga naging bunga ng kanyang pagbisita sa Germany at Czech Republic kung saan siya ay nakahikayat ng investments na tiyak na makapagbibigay ng oportunidad sa mga Pilipino.
Ayon sa pangulo, nasa $4 billion ng investment deals at Memorandum of Understanding (MOU) ang naselyuhan sa kaniyang foreign trip o katumbas ng ₱222,450,000,000.
Nag-resulta din ang kaniyang pakikipagpulong sa mga German and Czech business leader ng mga investment deal sa renewable energy, manufacturing, innovation at startups, IT-BPM, minerals processing, agriculture, space at aerospace.
Bukod sa business deals, naging matagumpay din ang pakikipagpulong ni Pangulong Marcos sa Lufthansa Technik tungkol sa expansion plan nito sa Pilipinas.
Sa ilalim nito, planong itayo ng pangalawang hangar sa Clark na aabot sa $150 million o ₱8 billion.