
Balik Pilipinas na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos dumalo sa APEC Summit sa Gyeongju, South Korea.
Eksaktong alas-2:22 nang hapon kahapon, November 2, lumapag ang PR001 sa Villamor Air Base.
Ayon kay PBBM, nagbunga ng mga bagong ideya at investment opportunities ang kanyang pagdalo sa summit.
Kabilang dito ang pagtutok sa digitalization ng MSMEs, pagpapalakas ng trade at infrastructure, at mga bagong ugnayan sa mga lider at negosyanteng Koreano.
Pagdating naman sa Pilipinas, agad na bumisita si Pangulong Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa puntod ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City bilang paggunita sa All Souls’ Day.
Ayon sa Pangulo, nag-alay siya ng panalangin para sa kaniyang ama na patuloy siyang ginagabayan sa buhay at sa pagseserbisyo sa bansa.










