Home Manila DZXL 558 Manila PBBM, balik-trabaho sa Malacañang matapos gunitain ang Holy Week sa Ilocos Norte

PBBM, balik-trabaho sa Malacañang matapos gunitain ang Holy Week sa Ilocos Norte

0
PBBM, balik-trabaho sa Malacañang matapos gunitain ang Holy Week sa Ilocos Norte

Nasa Malacañang na muli si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (PBBM) matapos ang makabuluhang paggunita ng Semana Santa sa Ilocos Norte.

Ngayong araw, pangungunahan ng Pangulo ang panunumpa ng mga opisyal ng Vice Mayors League of the Philippines, bilang bahagi ng pakikipag-ugnayan ng pambansang pamahalaan sa mga lokal na lider.

Matatandaang ginugol ng Pangulo ang Semana Santa kasama ang kanyang pamilya sa Ilocos Norte habang nakamonitor sa sitwasyon ng bansa.

Sa larawang ibinahagi sa kanyang Facebook account, makikitang kasama niya si First Lady Liza Araneta-Marcos at kanilang mga anak sa isang “boodle fight.”

Makikita rin sa mga larawan na unti-unti nang nakakabawi ang kalusugan ng Pangulo matapos ma-diagnose ng diverticulitis noong Enero.

Facebook Comments