PBBM, bantay-sarado ang transparency portal para supilin ang korapsyon at pekeng datos

Mahigpit na babantayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong transparency portal ng gobyerno upang matiyak na tama, kumpleto, at hindi napapalitan ang datos na ilalagay dito.

Ayon sa pangulo, hindi na maaaring magkaroon ng kahit anong manipulasyon sa impormasyon, lalo na’t ito ang magiging sukatan ng publiko sa galaw ng pondo at proyekto ng gobyerno.

Dahil dito, regular niyang sisilipin at imo-monitor ang laman ng portal upang agad makita kung may pagbabago sa bilang, petsa o anumang detalye.

Gagamitan din ng pamahalaan ng AI tools para awtomatikong magbantay sa integridad ng datos, at upang masigurong hindi ito nagagalaw at nananatiling tapat sa totoong impormasyon.

Sa ilalim ng bagong sistema, iginiit ng pangulo na malinaw ang layunin niyang magkaroon ng isang gobyernong walang tinatago at handang masuri ng publiko anumang oras.

Facebook Comments