Tiniyak ng Kongreso na mabibigyan ng sapat na panahon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para mapag-aralan at mabusisi ang panukalang P6.352 trillion na pambansang pondo.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Senate President Chiz Escudero na tulad ng Kamara ay nagsimula na rin sila sa mga pagdinig sa panukalang budget ng iba’t ibang departamento.
Inaantabayanan na rin aniya nila ang pag-transmit ng Kamara sa aprubadong bersyon ng budget, upang maisalang na ito sa plenaryo ng Senado.
Ayon pa kay Escudero, sisikapin nilang agad na mai-transmit sa Office of the President ang proposed budget para magkaroon ng sapat na panahon ang Pangulo para sa mga item na posible niyang i-veto.
Matatandaang sinertipikahang urgent ng pangulo at target na itong aprubahan ng Kamara mamayang gabi.