Tuloy-tuloy ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga lugar na nasalanta ng Bagyong Carina at habagat.
Matapos ang kaniyang ocular inspection sa ilang apektadong lugar sa Kalakhang Maynila kahapon, nasa Mauban, Quezon naman ang Pangulong Marcos upang alamin ang sitwasyon ng mga residente doon.
Makakasama ng pangulo ang ilang kalihim gaya nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manny Bonoan.
Inaasahang tatalakayin sa situation briefing sa pangulo ang mga susunod na hakbang ng pamahalaan para makabangon ang mga lugar na pinadapa ng sama ng panahon.
Isa ang Mauban sa naapektuhan ng pinagsamang epekto ng bagyo at habagat nitong mga nakalipas na araw.